" HALIGI NG TAHANAN "
Para sa lahat ng ama ng tahanan
Saludo ang nararapat sa inyong kagitingan
Marapat na alalahanin at pasalamatan
Salamat sa lahat ng inyong pagmamahal na sa'min ay inilaan
Di alintana ang hirap at pagod
Para sa pamilya'y buong galak na kakayod
Sa hirap at ginhawa ay itataguyod
Alang-alang sa pamilyang mahal na kanyang lugod
Bayani kayo ng lipunan
Sapagkat tinataguyod nyo ang inyong sambahayan
Pamilyang handang alalayan kahit hirap ang kalagayan
Maipadama lamang pagmamahal na wagas maging hanggang kamatayan
Ikinararangal namin ang lahat ng ama na gaya nyo
Iingatan na tunay sa aming puso ang inyong sakripisyo
Mahal namin kayo sa kaibuturan ng aming mga puso
Maligayang araw ng mga ama sa buong mundo
Isang masikhay na saludo na may pasasalamat para sa inyo