Chapter 1
(Aling Bebang POV)
Tahimik si Gina na nakaupo sa gilid ng tindahan ni Aling Bebang habang iniinom ang kakabili lang niya na RC na nilagay sa plastic labo.
Napakainit ng panahon ngayon
Suot niya ay hapit na croptop at maikling nyorts kaya kitang kita ang makinis niyang kutis na parang labanos.
Maganda si Gina matangos ang ilong mapula ang mga labi at nagsusumigay ang mayayamang alam niyo na.
Napaka ganda din ng kanyang katawan kaya hindi ko lubos maisip bakit ba ito patay na patay kay Berto.
Gaya ngayon hapon alas 5 na alam niyang inaabangan nito ang pagdaan ni Berto galing sa trabaho nito sa pagkukudkod ng buko sa palengke.
At eto na nga ang inaatay ng dalaga galing sa isang makipot na iskina niluwa ang animal!
Payat si berto na parang kalansay sa taas nitong 5'6- 5'5
Hindi kasi pantay ang mga paa nito dahil sa sakit nun itoy bata pa kaya sa kaliwang paa mataas sa kanan at mababa.
Malalaki ang ngipin at makapal ang nguso. Hindi makakaila ang kilig ni Gina ng makita si Berto.
Para itong maiihi na ewan pagkasipat palang sa kalunoslunos na itsura ng kanyang crush. At sila ay nagkasalubong...
"HELLO BERTO. NAMISS KITA"
Sabay halik sa parang naiiritang si Berto.
"ANO BA GINA SINABI KO NAMAN SAYO AYOKO NG NILILINGKIS MO AKO NG GANYAN"
Bakas sa mukha ng depunggal ang pagkairita...
ITUTULOY