May gusto akong sabihin
'Di ko alam ano ang aking uunahin
Bawat katagang aking susulatin
Ay pasasalamat ko sa pagsilang sa akin
Siya na nagluwal sa akin
Na umantabay sa aking kamusmusan
Siya na nagmahal sa akin
Ng wagas at walang alinlangan
Kahit kami'y magugulo
Bilib ako sa nanay ko
Pasensya nya sa amin abot hanggang dulo
Kaya para sa akin sya'y mabuting ehemplo
Kaya naman, sa araw na ito
Ikaw, aking ina ay pahahalagahan ko
Masiyahan ka sana
Sa munting mensaheng ito
orihinal na larawan ng may-akda