"Baliw na Ba ?
Samahan mo ako
Sa magandang daigdig na ito
Na hindi lang sa panaginip ka kasama
Nilalaman ng puso makita mo sana
Sadyang para lang ako sa'yo
Sa puso't isipan ikaw laging nandito
Damdamin mabatid mo sana
Isang araw nagbabaka sakali na
Puso ko'y laging bubuksan
'Pag kinakailangan mo ng tunay na kaibigan
Ako'y andito sa'yo magpakailanman
Tanging sa'yo ito'y ilalaan
Handang maghintay ga'no man katagal
Sa'yo lang gusto madama ang pagmamahal
Na pinapangarap nung simula pa
Sana'y tayong dalawa para sa isa't isa
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 12