"Hanggang Huli"
Ano ang aking gagawin?
Kung ikaw lang ang tanging hiling
Tama ba'y puso'y sundin
O' maghihintay na 'yong mahalin
Handa akong ialay lahat sa'yo
Kung ikaw sa tabi ko narito
Sa bawat pintig ng puso ko
Nagbabasakali mapahinto mo ito
Ako'y nagmamasid sa paligid ko
'Di mapakali saan patungo
Naisip ko, andito ka lang pala sa puso ko
Dito ka pinadpad ng pag-ibig ko
Anuman ang mangyari
Iibigin kita hanggang sa huli
Hindi ako lilisan palagi kong sabi
Mawawala man hihintayin kita muli
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 1 2