"Iiwan Na Ba o Mananatili ?"
'Di ka na ba ngingiti ?
'Di ko sinadya kong ako'y nagkamali
Kahit konti man lang kahit sandali
Masilayan ko lang ang iyong ngiti
Nasanay na ako na kasama ka
Gabi't araw ika'y nasa isip sinta
Paano kung ikaw ay aalis na ?
Iiwan na ba akong mag-iisa
Habang umiikot ang mundo
Pag-ibig ko'y mananatili sa'yo
'Di malilimutan mga sandali magkasama
Parang kahapon nag-iibigan sinta
Kung iiwan 'wag ng babalik
Pipilitin kong iburaha mga alaala
Nang wala ng kahit isang matira
Dahil isang beses lang magpapakatanga
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 12