Ikaw na Kaya ?
Naalala ko pa pa'no nagsimula
Bawat araw sa isip di mawala- wala
Ikaw lagi , laging nakikita
Iba ang nadarama pag ika'y kasama
Ikaw na ba kaya ?
Nag-iiba ang aking nadarama
Pag lumalapit ako'y natutulala
Pag-ibig na nga ba kaya ?
Parang ikaw at ako'y pinagsama
Na nakatadhana sa isa't isa
Laman ng puso ikaw lang sinta
Ikaw mahal ay andito na
Dito lang ako kailanman 'di iiwan
Pagkat tunay aking hangarin
Kahit sandali lumipas 'di papayag
Na ika'y mawalay sa akin
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 1 2