"Kailan Mapapansin"
Bakit ako'y kumakaba
Sa t'wing ika'y aking nakikita
Ilang beses na nagkabangga
Dalang aklat kinuha mo pa
Bawat araw sinusundan ng tingin
Naghihintay na ika'y mapatingin
Wala ng ibang kayang gawin
Kundi tingnan lamang ng mahigpit
Dito sa maliit kong puso
Malaki ang puwang na laan sa'yo
Maari bang ika'y dumito
Ng mabuo ang puso kong ito
Matagal na itong lihim na pagtingin
Kailan mo ba ito mapansin
Hiling sana'y ika'y tumitingin
Sa puso kong ikaw lang ang hiling
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 1 2