"Kung Magiging Tayo"
Sa tagal na ng panahong lumipas
Pagmamahal ay wala paring kupas
Minsan naiisip na magkasama
Nagtatawanan,naglalambingan sa isa't isa
Sa mga dasal laging hinihiling
Na makatagpo ng 'sang tao makapiling
Sa araw-araw na maging panghabang buhay
Kung magiging tayo iiwan lahat para sa'yo
Mahirap mag-isa ng walang nakakasama
Ang lungkot para ikaw lang sa mundo mag-isa
Madami mang kaibigan pero iba ang may ka-ibigan
Dahil sa'yo lang siya walang kaagawan
'Di ka papaiyakin 'di paluluhain
Araw-araw 'di malilimutang mahalin
Kung magiging tayo ika'y magiging mundo
Ibibigay lahat ng 'yong gusto
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !