"Pagkatiwalaan Sana"
Bawat oras nasa isip ka
Ano man ang gawin naalala ka
Sana'y ngayon makapiling kita
Nang ang puso koy 'di na magluluksa
Aking hiling mahagkang muli
Patawarin na sana sa'king pagkakamali
Sana'y pagkatiwalaan muli ako
Nami-miss na kita, miss ko na ang tayo
Walang kayang magpalit sa'yo
Nag-iisa ka lang sa mundong ito
Maghihintay ako't 'di susuko
'Di magsasawang umasa sa'yo
Araw-araw naghihintay sa'yong pagbalik
Dahil sa damdamin kong nasasabik
Pagkakataon na itama ang mali
Pagkakataon na maibalik sa dati
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 12