"Pampalipas Oras"
Marami-rami na ding mga alaala
Oras-oras laging magkasama
Para bang nasa iisang tahanan
Na walang segudo na 'di nagkikitaan
'Di sigurado sa parating na hinaharap
Tayo ba'y magkakatuluyan o mauuwi sa goodbye
Pero sana itong mga sandaling binuo
Ay totoo at 'yon ang laman ng puso
Napapisip baka pampalipas oras
Na 'di ako ang 'yong pangwakas
'Pagkat ginawa lang na karanasan
Upang handa na sa taong pinaka asam asam
Sinusulit bawat oras na magkasama
Nang sa huli walang pagsisihan pa
Kung sakaling iwan man handa na ako
Handang tanggapin ang matagal ng totoo
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !