"Sa Simula Pa Lang"
Nagtagal napamahal na ako sa'yo
'Di sinasadyang mangyari ito
'Di inaasahang magkakalapit tayo
Pero ikaw pinili ng pusong ito
Sa una pa lang nagsimula na
Sayo'ng mga mata ako'y nahulog na
Aking naramdaman nag-iba na pala
Parang ako'y iyong hinila
Sapat na ika'y aking makasama
Sigaw ng puso, mahal kita
Ito'y isisigaw nalang sa hangin
Wala namang pag-asa ang damdamin
Nakatingin mula sa malayo
Mapapansin mo ba ako ?
Mahirap ng umiwas sa'yo
Lalo't nagkatagpo na tayo
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !
Photocredits 1 2