"Sana'y Patawarin"
Minsan na akong nagkamali
Minsan munang nahuli
Sa huli nanaig ang pagpapatawad
Nangakong 'di na mauulit muli
Ngayo'y napagtanto mga nagawa
Ginawa ng patago para iwas magkasala
Pero alam ko naman iba talaga
Ibang-ibag kung ika'y kasama
Noon nalilito kung mahal mo ba ako
Ngayon sigurado na ako sa'yo
Wala kasi akong bilib sa sarili
Sino ba naman ako para iyong ibigin
Sana'y mapatawad sa mga kasalan
'Di mo man alam nagawang kasalanan
Ngayon humihingi na ako ng patawad
'Di kayang mawalan ng 'sang ikaw na walang katulad
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !