"Tama Pa Ba ?"
Tama bang ating ipagpatuloy
Ang nasimulan nating bagong buhay
Buhay na ating tatahakin dalawa
Na sa huli walang iwanan sa isa't isa
Tama bang ika'y ibigin ?
Na 'di alam kong tatanggapin
Ng pamilya , ng tao ang pag-iibigan
Isa lang masasabi mahal kita 'di pababayaan
Tama pa ba na mahalin ?
Kung sa huli iiwan parin
Walang kasiguruan madami pang mababago
Tulad na lamang ng mga pangako
Matagal na ng napapaisip
Ating bukas saan dadating
Sa magiging tayo ba sa huli o
Sa huling 'di na makararating
Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !