Nang ika'y unang masilayan
Nabighani sayo dahan-dahan
Di mawari sa puso ang kalagayan
Umibig na nga sayo ng tuluyan
Sa ngiti mo na kay tamis
Ay naakit ako ng labis
Sa kislap ng iyong mga mata
Nadarama'y anung ligaya
Araw gabi lagi kang nasa isip
Kasama maging sa panaginip
Maghihintay sayo at di maiinip
Pagka't ligaya'y di malirip
Kung ang tulad mo'y sa'kin ay iibig
Mga problema'y nalilimot
Basta't nasisilayan ka sa palibot
Tulad ko'y lalong sasaya
Kung ikaw ang makakasama