Sa mga tulad naming nasa dayuhang bansa
Akala ba nila’y umuulan dito ng ginto at pera?
Maraming naiinggit sapagkat kami raw ay sagana
Di ba nila alam ang hirap na mag-isa?
Iniisip ang mga anak kung ayos ba sila
Ang aking bunso na hindi ako kilala
Sapagkat sanggol pa ng lisanin ko sila
Upang umahon sa hirap at guminhawa.
Nakalulungkot lang dahil pasalubong ang hanap nila
Inuna pa ang tsokolate kasya nangungulilang ina
Ngunit ayos lamang basta sila ay masaya
Sabik akong hagkan sila at makasama.
Mga paa kong kay bigat na ayaw lumisan
Gusto mang umatras ay wala nang urungan
Upang masustentuhan ang kanilang kailangan
Nang hirap ng buhay ay kanilang maiwasan.
LARAWAN :
PIXABAY