Noong panahong nag iisa ako sa buhay,
Naghahanap ako ng taong magiging kaagapay.
Dahil sa hirap at lungkot ng buhay,
Gusto ko ay may makasama habang buhay.
Kagwapuhan at kakisigan mo ay di ko alintana,
Noong panahon ako'y naghahanap pa.
Ngunit sa biglang lingo'y, andito lang pala,
Ang lalaking nais kong makasama.
Maraming guwapong manliligaw, para pag ibig ko ay makuha,
Subalit lahat sa kanila ikaw ang kakaiba.
Dahil sa awra mo at kakaibang estilo,
Ikaw o aking mahal ang bumihag sa puso ko.
Pagmamahal at pag aruga sa akin ay pinadama,
Kahalagahan ng pamilyang buo ay iyong pinakita.
'O aking mahal di kita iiwan,
O ipagpapalit kahit kanino man.
Pag ibig mo'y wagas at walang katumbas,
Sana ito ay wala ng wakas.
Dahil hindi ko kayang harapin ang bukas,
Kung pagsasama natin ay kukupas.
Aking mahal dalangin ko ay di ka magbago,
Kahit na sa huling hininga, ako pa rin ang mahal mo.
At ito ang pangako ko sayo,
Kahit sa kabilang buhay,ikaw pa rin ang mamahalin ko.
Sana nagustuhan nyo po ang aking munting kathang tula para sa asawa ko(
). At sana magustuhan din nya itong gawa kong tula para sa kanya.😊 Salamat po sa inyong konting oras sa pagbasa ng aking tula, at sana po magustuhan nyo rin ang tulang ito. Para din sa lahat ito. Mabuhay po ang mga manunulamg pilipino.😊 Salamat po ng marami! Dios mabalos sa indo gabos!
Please support
as a witness by voting him here and type in "steemgigs" in the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, on that same page type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
#####Support his other brainchild projects like #untalented, #steemgigs, #teardrops, #steemsecrets and #ulogs. Thank you!