Salitang "kasalanan" ay nagmula kay eba at adan,
Ang bagay na ito ay kinamumuhian ng karamihan.
Ngunit patuloy na ginagawa ng sangkatauhan,
Dahil ang rason nila na tayo ay tao lamang.
Ang gawaing ito sa mundo ay parang nakasanayan,
Pilit iniiwasan ng iba,ngunit ang iba ay patuloy sa kamunduhan.
Laging sinusunod ang tawag ng laman,
Kaysa magsumikap patungo sa kabanalan.
Ang iba'y pinagpipilitan ang kanilang pagmamahalan,
Kahit ang bawat isa ay mayroon ng pananagutan.
Mas sinusunod nila ang kanilang emosyon kaysa sa kanilang kaisipan,
Na alam naman nilang mali ang kanilang ipinaglalaban.
'O kasalanan, ano bang kapangyarihan mayroon ka?
Bakit maraming tao na ikaw ay ginagawa.
Kahit nga ilang matatag sa kanilang pananampalataya,
Minsan sayo ay iyong nadadaya.
Sadya bang kayhirap mong iwasan?
O mahina lang talaga ang lupang katawan.
Kapag udyok na ng laman ang umiral,
Bakit pati banal sayo'y nagiging hangal.
Ngunit sa bandang huli ito ang ating tatandaan,
Lahat ng ginagawa sa lihim o hayag man.
Kung kasalanan man ito o kabanalan,
Ipagsusulit natin ito lahat sa kalangitan.