"ALAALA MO"
Sa bawat araw na lumilipas
Alaala mo'y di kumukupas
Maamo mong mukha'y laging napapanaginipan
Mga labi mong kay tamis halikan
Lumisan ka man sa aking piling
Sa maykapal ikaw pa rin ang hinihiling
Bugso ng damdamin na mala bagyo
Buong tapat na ibinigay sa iyo
Nagpasya akong magparaya
Nang sa gayon ikaw ay malaya
Alam kong hindi man madaling gawin
Ngunit ito ay para rin sa atin
Alaala mo'y hindi kailanman malilimutan
Dahil sa iyo naranasan ko ang tunay na kasiyahan
Natapos man ang ating pag-iibigan
Mananatili kang isang kaibigan
Salamat sa pagbasa ng aking tula mga kaibigan. Nawa'y nag-iwan ito sa inyo ng magandang aral sa buhay. Hanggang sa muli :)