"Pag-asa"
Dahil sa'yo sinta nakadama ng ligaya
Pagmamahal ko'y alayan ka
Sa'yo natapos na ang pagdudusa
Sapagkat ikaw ang bagong pag-asa
Nilutas mo aking mga problema
Binigyan mo aking munso ng saya
Dahil ang mundo'y gulong-gulo
Ngayong ako na'y nasa piling mo
Nakakaisip na ako ng matino
Ilaw sa madilim na kapaligiran
Totoo sa mundong ginagalawan
Dinagdagan mo ako ng lakas ng kalooban
Maraming salamat mga kaibigan!
Naway naghandog sa inyo ng aliw ang nabuo kong tula.