Alam ko nakakasawa na,
madalas na lang ganito ang eksena,
hindi ba parang nakasasawa na?
Hindi ba puwedeng itahimik na lang natin ito
sa atin, nakahihiyang malaman pa ng kapitbahay,
para tayong may malaking mikroponong
ibinabalita natin sa kanila kung anong bagong
iskup meron sa atin!
Marahil kung ano man ang dahilan,
magagawa naman nating ayusin ito,
pag-usapan ng maayos, maaari namang
sabihin mo at sabihin ko kung ano
ang maaaring gawin natin para maayos ito,
kahit pa sa harap ng pagniniig natin!