Isip-isip, patingin-tingin sa kawalan,
laging nasa kailaliman ng isip,
sapin-saping paulit-ulit ang lahat ng ito,
paano nga ba mangarap ng gising?
Kung saan man ako mapadpad nitong
iniisip ko, doon lang muna ako,
wala akong ibang mapuntahan kundi
saan ako nakahimpil, tatambay lang ng
ilang saglit at muling lalakbay
sa dakong walang katapusang daan.
Hindi ko kayang talunin ang oras,
lagi akong kapos sa oras,
walang panahong maabutan ko ang oras,
kahit saan man ako mapadpad,
nanatiling ang oras ay mas una pa sa akin,
hindi ko man lang maabutan ang
pagtakbo ng oras kahit sa panaginip lang!