Sasabihin ko ba?
Ano naman ang laman ng sasabihin ko?
Paano mo sasabihin sa aking gayong narinig ko sa panaginip kong
ikaw at ako ay magkalayo.
Nakapapagod mag-isip.
Pero paano ang mga iyang mga kabog ng dibdib?
Saan nga ba ako sa iyong lugar?
Kailan ako magkakaroon ng puwang sa iyong lugar?
Saan ko isisiksik ang nakareserba kong pagtangi sa iyo,
gayong wala na naman tayong pinag-uusapan kundi
kung ano meron sa iyo at sa akin ay sa kangkungan kasama
ng mga water lilies.
Paano?