Dati rati'y aking tinitingala,
Pagkat kayo ay kakampi nang dukha,
Ngunit ngayo'y parang nag iba,
Palagi na kayong sangkot sa pulitika,
Ang turo nyo po'y isinapuso,
Turing namin sa inyo'y pawang mga guro,
Na sa amin ay palaging gumagabay,
Pinagkaisa nyo kami nang magkahawak kamay,
May kurapsyong daw na nangyayari,
Ayaw kong maniwala pagkat di ko mawari,
Kayo po ang nagturo sa amin,
Na pairalin ang mabuting gawain,
Di naman siguro kayong lahat,
Ngunit naapektuhan pa rin ang buong pangkat,
Sana na man kayo'y magbago na,
Iwasan nyo ang sobrang pamumulitika,
Wag nyo na pong hintayin,
Na panahon ay dumating,
Kung saan ayaw na kayong paniwalaan,
Di lang nang Diyos kundi pati nang sangkatauhan.
-jhanmervz