Mahal na mahal naman talaga kita,
Mas pinili ko lang mapag isa.
Hindi ko naman talaga alintana,
ang milya milyang distansya,
bsta makasama lang kita.
Ngunit sa tuwing sumasapit ang gabi.
Ang mga kirot at sakit sa puso na nakakubli,
Buhat nung una tayong nagkatagpo
Ay tila hindi isang bula na bsta bsta nalang naglalaho.
Inaamin ko naman na sa panahong iyon,
Ay wala pang opisyal na tayo.
Pero sa isip at puso, ikaw na ang napili ko.
Iba't ibang lalaki sakin ay nagbaka-sakali.
Ngunit ikaw at wala ng iba ang aking napili.
Tapos ngayon malalaman ko,
Na sa mga panahong yun,
marami kami at hindi lang pala ako,
Ang maganda sa iyong mga mata,
At sinabihan mong "mahal kita".
Ngayon ako'y litong-lito.
Dahil sa ika-apat ng junyo noong naging tayo.
At limang buwan bago ko pa nalaman,
Ang pagtataksil mo nung nakaraan.
Marahil tama ang agam agam,
Na wala naman dapat akong karapatan,
Ginawa mo naman talaga yun ng hindi pa tayo magkasintahan.
Subaliy isa lang talaga ang hindi ko maintindihan,
Yun ay kung bakit ako parin ay nasasaktan.
Ninais kong lumayo at limutin,
Lahat ng mga ala-ala natin.
Sinubukan kong iwaksi,
Mga pangakong nagmula sa ating mga labi.
Ngunit bakit sa aking pag lisan,
Mahal, ikaw parin talaga ang kailangan;
Ng pusong ilang beses man pagkaitan,
Hindi parin kayang kalimutan,
Na sa piling mo lang tanging naranasan,
Ang tunay na kaligayahan.
Salamat sa pagbabasa, ang kathang ito ay hango sa aking sariling karanasan sa pag-ibig at nais ko itong ipahayag sa pamamagitan ng tula. Kunb maari po'y supportahan ninyo ang #filipino-poetry at si na walang kupas na nagbibigay inspirasyon sating mga Pilipino. Magandang araw at Pagpalain nawa tayo ng Panginoon.
Nagmamahal,
Maye