Napakasakit ng mga pangyayari sa kwentong tula na iyong ginawa . Pinapakita na ang nagsasalita ay nagmamakaawa upang ipaglaban ng kanyang minamahal ang kanilang pagmamahalan.
Ngunit ang maipapayo ko sa kanya kung ito man ay base sa totoong pangyayari ay sana'y tapusin na niya ang kanyang nararamdaman. Ang buhay natin sa mundo ay napakaikli lamang at mas iikli pa ito kung gugugulin natin ang oras sa paghabol sa mga taong hindi tayo mahal.
Alam kong ang Panginoon, pamilya, kaibigan natin ay palaging magiging nandiyan upang mag-alay ng pagmamahal. At ako ay nananalig na mayroon Siyang itinadhana para sa ating lahat: sa tamang panahon.
RE: Filipino Poetry #1 : Nagmahal pero Sinaktan