Hindi lamang sa kabuhayan ang pananalanta nangyayari,
maging sa ating sarili, ang sakit, taggutom, taghirap,
pagkawala ng sarili dahil sa trahedya, depresyon,
giyera, rebolusyon, lahat ng mga ito'y sinasalanta
tayong walang kalaban-laban, higit na naaapektuhan
ay ang mga mahihina, madaling mawalan ng pag-asa,
ang mga sawi, ang mga taong tinakbuhan na ng realidad,
Hindi lahat ng mapanalanta ay literal na ating nakikita,
nariyan ang mga emosyong walang habas ka kung
salantain, isa ito sa mapanalantang kapag hindi napigilan
ay nakagagawa ng karumaldumal na pangyayari.
Sa mundong ito, walang hindi man lang nakakawala
ng ganitong uri ng sirkumstansiya hanggang mamamalayan
mo na lang kung ikaw ba ay nagwagi labanan ito o nawala
o ika'y nagapi nito!