"Magdalena"
nakatira sa mundong walang kasiguraduhan
kung saan ang lahat na nakikita
ay puwang na itim at puti lamang
Natutulog siya sa tingin niya ay isang kama
nag-iisip ng walang kuwentang bagay na nasa isipan
Sa oras na siya ay iiyak,
tatawa siya ng malakas para takpan ang luha
Wala siyang plano sa buhay,
buhangin na nagsisilbing oras sa kanyang kamay
Magdalena, isang babaeng tunay na walang paroroonan
nakatira sa mundong walang kasiguraduhan
Kung saan purong simple lang
parang araw at ang buwan
naglalakad siya sa daang wala siyang paki
sumasayaw hanggang pupunta sa kung sinong pintuan
Sa oras na na siya'y magsasalita
binubuga niya ang salitang di kaaya-aya
Ang buhay niya ay parang alon
di alam kung saan sasabay sa hangin na paparoon.
Magdalena, isang babaeng tunay na walang paroroonan
nakalimutan sa mundong walang kasiguraduhan
walang aantay at walang aalis
lahat ay naglalaho,
at si Magdalena, ang babaeng di malalaman ng iba
What is this about?
Magdalena is a Filipino name of Magdalene. Some may know Magdalene in the context of bible, a not so descent woman turned into a disciple. In the Philippines, we have this song "Magadalena" which describes how a prostitute treated so badly as a consequence of her actions. It also depicts that a woman with that kind of background will never be in a good standing among other women. The whole body of the poem tells what life does prostitute has. Also tells, what are her capabilities and her limited strength in fighting life's cruel endeavors.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash