"Ang oras ay ginto "
image credits
Gaano ba kahalaga ang oras? Alam mo ba na bawat paggalaw ng kamay ng isang orasan ay maaring makapagbago sa iyong buhay. Siguro karamihan sa atin ay hindi alam.Kung minsan ay hindi natin namamalay dahil sa pagiging abala sa mga bagay-bagay na akala natin ay importante.
Isa sa mga maling nakasanayan natin ay ang ipagmaliban ang paggawa ng isang bagay palagi na lang sinasabi “mamaya na lang may oras pa “ o “bukas na lang yan “ na hindi natin alam malaki pala ang nawawala sa ating buhay. Ang magandang halimbawa nito ay nagpaproyekto ang iyong guro at sinabing ipapasa ito sa susunod na lingo. At hindi mo agad ginawa dahil sabi mo “ ahh malayo pa yan “. At sa pagdating ng deadline hindi ka nakapasa dahil marahil hindi mo natapos sa tamang oras o nakaligtaan mo . At dahil lang dito maari kang bumagsak. Ika nga na matatanda “nasa huli ang pagsisi”
Gamitin ng wasto at makabuluhan ang bawat segundo dahil kailanman hindi ito maibabalik ang mga oras na nasayang na sana mas nakinabangan pa . Kahit hindi man maibalik pwede namang pagsikapan upang maayos ito at mas pagtoonan ng pansin ang prayoridad sa buhay. Laging tandaan na kahit magbago man ang oras . Lilipas man ito meron namang pagkakataon na maitamo ito kasi sa bawat pagsibol ng bagong umaga ay mababakas ang bagong pag asa.
image credits