Mahal ko
Loretto C. Abrenica, Jr
Nabigyan ng buhay, dating walang kulay
Dahil sa iyo, mundo ay nagbago
Biglang nagising, tulog na damdamin
‘Di kita hinanap, bigla kang dumating
Palagi kong, minamasdan
Ang ‘yong mukha, sa iyong pagtulog
Magandang bukas, pangarap, para sa ‘yo
‘nitong aking puso
Alalahanin mong,
Nandito ako,
Naghihintay,
Nagmamahal sa ‘yo
Tanging awit, ang maghahatid
Ng nilalaman ng puso at isipan
Kapos sa dunong, salat sa yaman
Ikaw lamang ang kayamanan