Sinigang na isda ay isa sa paboritong lutuin ng mga Pilipino lalo na kapag malamig na panahon.Sa taglay nitong asim at anghang kaya sya nagustuhan ng mga Pinoy.May iba't iba uri ng pangpaasim, kalamansi napili ko para sa akin mas masarap ihalo sa sinabaw na isda.
MGA SANGKAP
yellow pin tuna
siling berde
kamatis
sibuyas
katas ng kalamansi
dahon ng talbos ng kamote
tubig
isang kutsara asin
PARAAN NG PAGLUTO:
1.Sa kumukulong tubig sa kaserola. Maglagay ng hiniwang sibuyas, kamatis at sili.
2 Kapag kumulo ilagay ang mga hiniwang yellow pin tuna at antayin na kumulo.
3.Kapag kumulo lagyan ng isang kutsara asin at katas ng kalamansi at pakuluan uli ito
4 Ilagay ang dahon ng talbos ng kamote at timplahan ayon sa panlasa at antayin na kumulo
5 patayin ang apoy at pwede na ilagay sa maliit na mangkok magdahan dahan sa paglalagay at pwede na sya ihain sa hapag kainan at masayang pagsaluhan ng inyong pamilya.
HANGGANG SA UULITIN!!..
MARAMING SALAMAT SA PAGBISISTA!!..