Dahil malapit na ang Agosto, ang Buwan ng Wika, sinabihan kami ng aming guro na gumawa ng slogan tungkol sa pambansang wika, Wikang Filipino. Binigyan lamang kami ng isang oras para gawin ang slogan, ngunit hindi kami nakapaghanda. Kaya medyo hindi maganda ang nagawa.
Patuloy ng naglalaho ang wikang kinagisnan, ang wikang filipino. Sama sama nating pagtibayin, palaging gamitin ang wika natin. Ang lahat ng iyan ay gawa ko samantalang ang larawan na nasa gitna ay gawa ng aking kaklase.