Yung jowa kong shine bright like a diamon nung una kong nasipat sa airport. Na love at first sight ang ante niyo pero hindi yan ang kwento.
Sabi niya sakto lang ang dala niyang pera sa pang renta sa condo at pang gastos ng 1 week sa pinas.
Kaya sabi ko don't panik! There's jeep who is super sulit.
Sinamahan ko siya sa BDO para mag withdraw.
Tapos sumakay na kami ng jeep, shuta siksikan kaya sa tapat niya ako umupo.
Ok na sana pero nahulog yung wallet niya nung magbabayad siya ng pamasahe namin. Wit ko knows kung na stress din yung mga salapi niya sa sobrang siksikan.
Kumalat lahat sa sahig ng jeep, kaya naman nagkatitigan kami ng mga magkaka-tropang Abad, Escoda at Lim. Kakaiba yung kilig na naramdaman ko tapos biglang kumati yung palad ko charot ๐
Nagkatitigan din kami ng mga pasahero na parang hinihintay yung sigaw ni koya Willie na (hakutin niyo na yan) ๐.
In fairness walang naki-agaw, hinayaan ko siyang chill habang pinupulot isa isa yung mga salapi.