Mabilis ang takbo ng panahon
Ngayon na malaki ka na at hindi na sanggol
Paano ko malilimutan ang sakit noong ikaw ay isinilang
Luha at buhay ang kapalit. Subalit salamat sa Diyos Ama
Ikaw ay ligtas, malusog at laging masaya.
Ang iyong mga yakap ang gamot kung kami ay nalulumbay
Ang iyong mga halik ang nagpapalambot kapag ikaw ay napapagalitan
Puyat at minsan at walang tulugan
Mabuti na lamang ang iyong ama ay lagi kong katuwang
Sa araw at gabi kung ikaw ay may kailangan.
Ikaw ay isang biyaya sa Diyos. Salamat sa kaloob sa'yong katalinuhan
Palaging nakangiti, mapagmahal at laging gustong tumulong sa kapwa
Kahit malaki ka na ay hindi ka nahihiya na magpahalik at magpayakap
Mabilis ang panahon...minsan sana ay hindi ka muna lumaki.....
Hindi bale bawat araw ay ating susulitin ....hou van je Rimbie:)
Time flies, enjoy every moment....
Please continue to support
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write >>>https://steemit.com/~witnesses