Lifescape Tribe Logo
Magandang araw sa lahat at sa Lifescape Tribe community. Narito ang aking ginawa para sa "Lifescape Tribe" Logo Design Contest, kung nais niyong sumali, pindutin ang link 👉"Lifescape Tribe" Logo Design Contest.
Ang unang naisip ko para sa logo ay ang paggamit ng dahon, simbolo ng buhay. Ginawa ko itong hugis kamay upang simbolisahin ang pagtulong sa mga bagong miyembro dito sa Hive lalong lalo nung ako ay nagsisimula pa lamang. Ang LIFESCAPE TRIBE para sa akin ay isang komunidad na handang magbigay suporta sa mga baguhan sa HIVE at iba't ibang platform ng Hive.
Sa gitna ng logo, makikita ang masayang imahe ng tao, hawak ang kamay ng dalawang larawan ng tao sa gilid. Ito'y nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan sa loob ng Lifescape Tribe, kung saan tayo ay nagtutulungan para sa sama-samang pag-angat sa buhay. Bakit ito ang aking konsepto? Naniniwala ako na ang Lifescape Tribe ay handang magsilbing gabay para sa mga bagong miyembro, patungo sa kanilang sariling tagumpay sa HIVE man o sa kani kaniyang buhay.
| Tao 1 | Tao 2 | Tao 3 |
|---|---|---|
Ang napiling kulay ay pula at itim. Ang pula ay simbolo ng tapang sa harap ng mga hamon sa mundo ng crypto. Ang itim naman ay nagpapahayag ng kawalan ng tiyak na direksyon sa crypto, ngunit ang Lifescape Tribe ang magiging ilaw at gabay natin sa landas nating tinatahak.
| Paglalarawan 1 | Paglalarawan 2 | Paglalarawan 3 |
|---|---|---|
Sana'y magustuhan ninyo ang aking logo. Magiwan ng komento kung ito ay inyong naibigan. Ito lamang at maraming salamat.
Noblebright