Magandang Buhay po sa lahat!!!
Naway nasa mabuting kalagayan po kayo, lalo na po at may nilalabanan tayong epidemya ngayon. Ang pagiging ligtas ang ating pinaka unang prioridad sa panahong ito.Kaya kung pwupwede wala munang lalabas dahil sa loob ng ating mga tahanan ang pinaka ligtas na lugar ngayon. At kung lumabas man kayo wag niyong kalilimutang magsuot ng face-mask.
Nais ko lamang pong ibahagi ang larawang ito. Ito ay get together namin nitong nakaraang buwan lamang. Nang ideniklara ng aming LGU na kami ay sasailalim na sa ***
"Modified General Community Quarantine o MGCQ"*** medyo lumuwag ang mga rules at pinayagan kaming mag outing pero sa loob lamang ng nasasakupan ng aming bayan. Kaya naman kami ay nag outing agad-agad at syempre hindi namin kinalimutan ang mga protocols na magsuot ng face-mask at iba pa.
Laking pasasalamat namin sa mahal na diyos na kahit papano sa kabila ng problema ng ating mundo ngayon ay nakakapag bigay aliw pa rin tayo sa ating mga sarili. Pero tandaan lamang na wag nating abusuhin ang mga ganitong pagkakataon.
Iyon lamang po sa ngayon ang aking maibabahagi. Salamat nga po pala kay sa pag imbita sa akin sa komunidad na ito. Dahil sa komunidad na ito malaya tayong makapag pahayag ng ating mga gustong sabihin gamit ang sarili nating dayalekto. Dahil dito mas maipapahayag natin nang mabuti sa kapwa natin pilipino ang mensahe na gusto nating iparating sa bawat isa.☺☺☺
Salamat po ulit sa inyong lahat. Hanggang dito na lamang po. Mag ingat po kayo palagi. Pagpalain nawa po tayong lahat ng diyos.
nagmamahal,