Magandang Araw po sa inyong lahat☺☺☺
Nais ko lamang pong ibahagi ang aking nakita. Ako nga po pala ay isang baguhan pa lamang sa komunidad na ito #hive . Kaya sa ngayon ang aking ginagawa pa lamang kung hindi mag post ay mag tingin-tingin o magbasa sa mga blog na isinusumiti sa platapormang ito.
Sa aking pagbisita sa account ng aking kapatid na si nabasa ko, na inanyayahan siya ni
na sumali sa kanilang komunidad ang #pilipino-community.
"Layunin nitong malaya kayong makapag pahayag ng inyong mga saloobin sa pamamagitan ng mga wikang pilipino. Tangkilikin natin ang sariling atin"
Nakapaloob din dito na kahit anong dayalekto dito sa Pilipinas ang iyong gamitin ay okay lang. Dahil ika nga mas mailalahad mo ng maganda at malaya ang nais mong ipahayag sa larawan o konteksto ng iyong post. Kaya naman ngayon sa pagsusulat ko nito naka gaan ng aking pakiramdam dahil hindi ako nahirapang magpaliwanag. Medyo mahina po kasi ako sa "Ingles" ☺☺☺
Hanggang dito na lamang po. Naway matulungan niyo po ako sa aking pagsisimula. Ingat po kayong lahat palage at God Bless.
truly yours,