Maligayang pagbati sa lahat!
Marami na tayong mga iba't ibang teknolohiya na lumalabas ngayon lalong lalo na sa mundo ng Cryptocurrency at Blockchain Technology. Nandito na tayo sa bagong henerasyon kung saan halos lahat ng bagay ay nakadepende na sa teknolohiya.
Kahit na nga sa ating finances ay malaking bagay at tulong ang teknolohiya lalong lalo na ngayong nandito na tayo sa Web3 o makabagong Internet at mga iba't ibang teknolohiya mapa laro man yan, pagsusulat o kahit sa pag-iinvest.
Ang ibabahagi ko sa inyong lahat ngayon sa aking blog post na ito ay ang isang step by step tutorial o pagtuturo ko sa inyo kung paano gumawa ng Account sa is Non-custodial Wallet na pwede nating gamitin sa pag impok ng ating mga Tokens, at ito ay naka base sa Klaytn Blockchain na sa darating na mga panahon ay meron nang bagong pangalan.
Merong dalawang klasing uri ng Kaikas Wallet at ito ay ang Web Extension na magagamit natin sa Web Browser na karaniwang gumagamit sa ating mga Computer at Laptops. Ang pangalawang uri ay ang Mobile Application tulad na lamang nang ituturo ko sa inyo ngayon dahil isa akong Mobile Application user ng Kaikas Wallet App sa Android.
Ang Kaikas wallet app ay tulad ng ibang Non-custodial wallets kagaya ng Metamask or Trust Wallet.
Bago ko simulan ang pagtuturo sa pag gawa ng Kaikas Account, ibabahagi ko muna sa inyo kung ano ang Klaytn Blockchain.
Klaytn Blockchain ay isa sa kilalang Public Layer 1 galing sa Korea at ito ay sinimulan ng Kakao Group, isang kilalang kompanya. Ngayon ang Klaytn Foundation na ang umaasikaso ng buong kompanya.
Marami pang iba't ibang kompanya ang naka suporta sa Klaytn mula noon hanggang ngayon at aabangan natin ang mas maganda pang mga balita, proyekto at mga serbisyo mula sa kompanya nito.
Ngayon sisimulan na natin ang proseso kung paano tayo makagawa ng account sa Kaikas dahil isa ito sa pinaka importanteng partr kung tayo ay nandito sa mundo ng Cryptocurrency at Blockchain Technology. Dito mo maiimpok o mailalagay ang mga tokens o coins base sa Klaytn Blockchain. Simple lang ang buong proseso.
Ang mga sumusunod ay ang Step by Step Tutorial paano makagawa ng Account sa Kaikas Wallet.
1. Pumunta lang tayo sa official website ng Klaytn Blockchain.
Pwede nating i-search sa Google ang Klaytn Foundation o kaya ay e-click lang ang link na ito.
πKlaytn Foundation Official Link
Pagka click nga nito ay makikita natin agad ang mga Mission, Vision at mga Objective ng Klaytn para sa mga users nito o mga gumagamit ng mga serbisyo. Maari na din nating i-explore ang website para mas maintindihan natin ito. Magiging pamilyar tayo sa Klaytn kung bibisitahin natin ang website ng maigi, and makikilala natin ang mga serbisyo nito, at gawa ng Kaikas Wallet.
2. Pumunta sa drop-down menu at pumunta sa Ecosystem.
Sa ating pag i-explore pumunta lang tayo sa Drop-down Menu kung saan makikita natin ang ilan sa mga pahina na pwede pa nating i-explore at para mahanap natin ang Kaikas, piliin lang ang Ecosystem.
Dito sa Ecosystem marami tayong matutunan dahil dito makikita natin ang isa sa pinaka importanteng impormasyon ng Klaytn Blockchain tulad na lamang ng *Klay Price, Market Cap, Monthly Active Addresses at Transaction per seconds, at ang iba't ibang platform at serbisyo na sinusuportahan ng Klaytn Blockchain.
3. Hanapin ang Kaikas Wallet sa pamamagitan ng Search Field.
Ngayong nandito na tayo sa Ecosystem at maari na nating e-explore ang iba't ibang mga dApps at mga serbisyo ng Klaytn Blockchain, mas madali nating mahanap ang Kaikas Wallet kung hahanapin natin ito sa Search Field at e type lang ang Kaikas at lalabas din agad ang resulta nito.
I-click lamang ang Kaikas para makita ang buong detalye ng Kaikas Wallet App at e-click lang ulit ito upang ma redirect sa pag download ng Kaikas Wallet App sa Play Store.
4. Download ang Kaikas Wallet App sa Play Store.
Sa pag click natin ng Try it ay ma-redirect din tayo papunta sa Play Store kung saan kailangan natin i-download at i-install ang Kaikas Wallet App bago tayo makagawa ng Account dito. Hindi rin gaanong malaki ang size ng App na ito.
5. Gumawa ng Bago o mag import ng existing Account, at magbigay ng Pangalan nito.
Pagka bukas ng Kaikas Wallet App ay ito ang bubungad sa atin.
Dahil gusto nating matutong gumawa ng bagong Wallet Account, pipiliin natin ang Create a new Wallet.
Pagkatapos nating i-click ang Create a new Wallet, tayo ay kailangang magbigay ng Pangalan sa ating gagawin na Wallet Account para mas madali natin itong makilala at mahanap dahil pwede din tayong maka gawa ng maraming account dito sa iisang Kaikas Wallet App.
6. Gawin ang mga Kailangang Security Features.
Isa sa pinaka importanting hakbang upang masiguro natin na safe o ligtas ang ating Kaikas Wallet Account, kailangan nating gawin ang mga Security Features nito.
Sa kahit na anumang uri ng Web3 Wallet Apps, ginagawa din ito para ma segurado na walang kahit sino o ano ang maka access ng iyong account, iwas sa mga scammers.
Ito ang mga dapat gawin.
- Mag Set ng Pin Code at i-confirm ito.
Kailangan nating mag set ng pin at dapat na tandaan natin ito.
- I-save at i-secure ang Secret Phrase.
Ang Secret Phrase ay isa sa pinaka importanteng Security Features ng kahi ano mang Web3 Wallet Apps dahil ginagamit natin ito upang ma-retrieve at ma-import ang isang account sa ibang platform or Web3 Wallet Apps gaya ng MetaMask at Trust Wallet. Kailangan talagang seguradihing ma secure ito ng mabuti.
Merong dalawang uri upang ma-secure ang ating Secret Phrase. Ang una ay i-sulat o ilagay ito sa safe na pwede nating lagyan at ang pangalawa ay ang pag lagay natin nito sa Google Drive Backup.
- Una ay ang Pag-sulat o pag-secure natin sa Secret Phrase.
Kailangan nating i-sulat sa isang papel at kailangang huwag natin itong mawala dahil kung mawawala natin ito ay wala na talagang paraan na ma-retrieve o ma-import pa natin ang ating Wallet Account. Seguradihing lahat ng words at spelling nito ay tama upang maging maayos at mas madali ang ating pag-retrieve o pag-import.
Para ma-verify at masiguro na tama ang ating Secret Phrase, meron pang isang hakbang ang ating gagawin. Merong ilang boxes na kailangan nating sagutan kung anong words ang nakalaan sa mga numero at kung tama ang mga ito, matagumpay ang pag-secure natin sa ating Secret Phrase.
- Pag save natin sa Google Drive Backup.
Isa ito sa pinakamadaling paraan sa pag-secure natin sa ating Secret Phrase at sa pag retrieve o pag import natin sa ating Wallet Account. Dahil naka save ito sa ating Google Drive, mas madali na lang ang pag-access.
Sa pagpili ng Google Drive Backup, tayo ay kailangang mag set ng Password o Encryption Password. Tayo lang ang bahala kung ano ang gusto nating password ang importante ay hindi natin ito makalimutan.
Pagkatapos nga nating magawa ang mga importanteng hakbang upang ma secure natin ang ating Kaikas Wallet Account, sa wakas meron na tayong Wallet Account at pwede na tayong makapagtipon ng mga tokens o coins na base sa Klaytn Blockchain.
7. Maari na nating i-explore at mag-umpisang pag-aralan ang buong Kaikas Wallet App.
Ngayon na natapos na natin at nakagawa na tayo ng ating Kaikas Wallet Account, oras na upang i-explore at tuklasin ang iba't ibang features na ating makikita sa Wallet Account mismo.
Magandang i-explore at pag-aralan natin ang iba't ibang mga tokens at coins na makikita natin dito sa Klaytn Blockchain. Meron ding iba't ibang mga DApps na ating makikita na dito na nagbibigay ng magaganda at mahahalagang serbisyo na makakatulong sa atin.
Kaya nga kailangan talaga nating gawin ang pag-explore sa mga features na makikita natin dito sa Kaikas Wallet App upang mas maintindihan natin kung ano ang mga serbisyo at mga produkto na kanilang ginagawa at inaalok sa atin.
Para sa mga karagdagang impormasyon at mga kaganapan sa Klaytn Blockchain at marami pang iba.
Bigyan ng follow at mag Subscribe sa iba't ibang Social Media Accounts ng Klaytn Blockchain.
- Official Klaytn Website: https://klaytn.foundation/
- Twitter (X): https://x.com/klaytn_official
- Discord: https://discord.com/invite/klaytnofficial, https://discord.com/invite/kaiachain
- Facebook Account: https://www.facebook.com/klaytn.official
- Facebook Page: https://www.facebook.com/groups/1367326453843667
- YouTube: https://youtube.com/@Klaytn_Official
- Telegram: https://t.me/KlaytnAnnouncement_EN
Maraming salamat at hanggang sa susunod na Blog Post tungkol sa Klaytn Blockchain at sa mga darating pang mga Serbisyo at Produkto nito.