Magandang araw po sa inyong lahat! Ako po ulit ito si @czander πππ... Ilang buwan rin po akong nawala almost 5 months po. Pasensya na po kasi po nasira po ang phone namin,sumunod pa ay nagkasakit po akoπ. Yung unang araw po nagkaroon po ako ng simpleng lagnat tapos po yung pangalawang araw po tumaas pa ito tapos yung pangatlong araw po pumunta kami sa malapit na hospital upang mag-pacheck maagang-maaga pa lang po noong umalis kami ng bahay kaya medyo nilalamig po talaga ako siguro po kasama na rin po ang lagnat ko. Marami pong tao na andoon tapos po nanghina na po ako doon halos di ko po alam nangyayari sa paligid nakayuko lang po ako at tumawag po si mama sa Barangay tapos po may nakilala si Mama na isang babae mabait po siya.
Tinulungan niya po kami sa cash tapos po dumating na po ang ambulance para sunduin ako. Yung sa Barangay naman po mabait rin po ang tumulong sa amin MCGI cares rin po siya. Hindi niya po kami pinabayaan mula sa ambulance at inabutan rin niya po si Mama ng pera upang kahit papaano ay makatulong. Dinala po muna ako sa unang hospital ang San Pedro District Hospital sabi po sa akin ng doctor may Dengue Fever daw po ako kaya nagulat po ako at si mama. Tapos po sinabi ng doctor lagyan daw po ako ng dextrose dahil tuyong tuyo daw po ang katawan ko pati nga po ang ugat ko hirap matusok kasi po natuyo na. Sa labas lang po ako ng hospital kasi po puno na ang hospital. Tapos po nilipat po ako ng J.P rizal isa ring pong Hospital. Nilipat po ako doon sa Calamba po iyon tapos puno rin po kaya nilipat po ako sa Philippine General Hospital kaso puno rin po. Tapos po umuwi na po kami gabi na po ng umuwi kami 1 day lang po yung palipat lipat na Hospital.
Tapos po next day po biyahe po ulit pa puntang ibang hospital pero bumalik po muna kami sa unang Hospital nakalimutan ko pong sabihin ang pangalan po ng unang Hospital ay Gavino Alvarez Lying-In Center bumalik po ulit kami doon kasi po doon po muna ako na dextrose ulit... Pero alam ninyo po ba sobrang sakit po pala ng dextrose pag tinutusokπ
. Pansin ko rin po sunod sunod na araw ang pag kuha po ng dugo sa akin para i-test. Tapos po next day po biyahe po ulit upang pumunta po kaming Evangelista Hospital hindi po kami tinanggap kasi po puno na po ito.
Ang last Hospital po na kung saan ako ay napunta sa Emergency Room ng Westlake Hospital. Ito po ay isang private Hospital kahit sa ER palang po ako high-class po kasi ang hospital kaya maganda. Almost 15 hours lang po ako tumagal doon at ang bill po agad ay 12,000+ pesos. Kinuhaan po ulit ako ng dugo upang ma-test. Na Dextrose po ulit ako halos maiyak po ako tuwing nakikita po ang karayomπ. Pero mahirap po talaga dahil hanggang ngayon po hindi pa po namin nababayaran ang bills dahil mabait po ang God at ang mga doctor sabi po nila mag promisory note nalang daw po muna si Mama naubusan po talaga kami kasi po haba ng paghahanap ng Hospital at ang food pa po namin. Si Mama po ang nag-asikaso mula simula sa akin habang nasa Westlake po ako si lola ang katabi ko. Si Mama po ay pumunta sa aming Barangay Captain upang humingi rin ng tulong mabait po ito at mula rin po simula tumulong po ito sa ambulance ng walang alinlangan siya rin po ay taga MCGI Cares. Noong mga araw rin po nayon ang Tita ko sa ibang bansa ay nanghiram ng pera upang tumulong sa akin pati po ang Tito ko.
Napansin ko po sa mga araw na iyon marami naman po akong natutunan. Isa na rin po dito ang respeto ng mga taong nakasalamuha namin at mga buong pusong pagtulong nila. Matagal din po akong nawala sa school namin at absent. Nalaman ko rin po na kahit gaano kahirap ang biyahe ang aming driver ay bukal sa puso nila ang matinding pagtulong sa amin sila rin ay Barangay Tanod sa amin sobrang bait po nila nag-intay sila pati pag buhat po sa akin ay sila rin. Hanggang ngayon po kinu kumusta po nila ako at sila po ang new best friend koπ.Ngayon po maayos na po ako at may ginawa po akong isang tula na kung saan ay pinangalanan ko pong Respeto at Tumulong. Maigsi lang po ito ginawa ko po ito hilong-hilo pa po ako heheπ
.
Respeto at Tumulong
Kung ikaw ay may respeto
Rerespetuhin ka rin ng ibang tao
Maganda ang may mabuting puso
Dahil kagaya ito ng isang malaking puno
Mas mabuting tumulong sa kapwa
Kaysa sayangin ang isang bagay at mawala
Kung ikaw ay tutulungan
Wag mo ng ilagay ang iyong pangalan
Respetuhin natin ang ating kapwa
Dahil wala namang sa iyong mawawala
Respetuhin rin natin ang opinyon ng iba
Dahil hindi ka lang mag-isa.
Iyan po iyon heheπ . Sabi nga po sa
Mateo 6:
"Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit"*
Sabi naman po sa
1 Pedro 2:17
"Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos at may paggalang sa Emperador."
Maraming Salamat po sa diyos sa lahat ng tulong niya at sa mga taong tumulong sa amin ang mga nurse na tumulong kay mama na mmakalabas kami ng Hospital, Ang Barangay Captain at mga Barangay Tanod, at sa babaeng tumulong po sa amin sa Hospital na ngayon ay dumadalaw pa po sa amin pinag handa pa po ako ng pagkain noong November 3... Masayang masaya po ako sa buhay na natanggap ko mula sa diyosπ.
Maraming Salamat po inyong pagbabasa!. To God be the glory in Jesus name, God bless us all!π