Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! π
Bago ko simulan ang lahat, magpapasalamat muna ako at magbigay papuri't pagsamba sa ating buhay na Dios dahil sa walang sawa at palaging pagbibigay sa akin ng lakas at magandang kalusugan sa bawat araw na dumating sa aking buhay. Masaya din ako na nandito ako muli upang magbahagi ng aking bagong repleksyon at magpapasalamat ako sa lahat mga sumusuporta na sa admin at team ng community na ito.
Ngayon nga ay magbabahagi ako ng aking repleksyon tungkol sa topic na merong pamagat na, "Bakit nilalang ng Dios ang tao?"
Isa na namang magandang topic ang aking pagbibigyan ng repleksyon at talagang nagpapasalamat ako dahil sa bawat pakinig ko sa mga aral at marami talaga akong natututunan.
Ang bagong topic nga ay tungol sa tanong kung bakit nilalang ng Dios ang tao. Maraming mga taong ito rin ang tanong at kung ating iisipin nang pang tao na pananaw ay talagang mahihirapan tayo dahil limitado lamang ang ating mga isip at pag-unawa sa bagay na ganito kung kaya kailangan natin ang Salita ng Dios na siyang magtuturo sa atin.
|
|---|
Kung ating babasahin ang Salita ng Dios, dito ipinaliwanag kung bakit tayo nilalang ng Dios. Tayong kayang nilalang o ginawa para sa mabubuting gawa. Ang kadahilanan kung bakit tayo ay ginawa ng Dios ay para gumawa ng mabubuting gawa.
Isa itong magandang kadahilanan ng Dios kung bakit tayo ay kanyang ginawa. Kung kaya habang tayo ay nandito sa mundong ito, ating alalahaning mabuti na tayo ay ginawa para sa mabubuting gawa at hindi sa kung ano pang mga masasamang gawa.
|
|---|
At dahil ginawa o nilalang tayo ng Dios para gumawa ng mabubuting gawa, ang tanong ano-anu ngaba ang mga magaganda gawa na ating gahawin.
Ang ating mababasa sa Salita ng Dios na Roma 7:12, ang mga mabubuting gawa na ating gagawin ay ang mga utos ng Dios , dahil ang utos ng Dios ay banal, matuwid at mabuti. Walang kahit na ano mang utos ng Dios na magdudulot o upang makagawa tayo ng masasamang gawa kundi itong lahat ay para sa mabubuting gawa.
Kung kaya kailangan nating gawin ang kung ano man ang utos ng Dios sa atin dahil itong lahat ay mabubuting gawa.
|
|---|
Ang patunay na ang mabubuting gawa na dapat gawin nating mga tao ay ang utos ng Dios, ay mababasa mismo natin ito sa Kanyang Salita sa Ecclesiastes 12:13. Sabi dito na kailangan nating sundin ang kanyang utos dahil ito ang buong katungkulan nating mga tao.
Ngayon para sa aking panghuling repleksyon o mga natutunan sa topic na ito. Alam nating hindi tayo panghabang buhay sa mundong ito, kung kaya habang nabubuhay pa tayo kailangan tayong gumawa ng mga mabubuting gawa at ang mga ito ay ang pag sunod sa mga utos ng Dios.
Ibinigay na ng Dios sa atin ang lahat at nagdepende na lang din ito sa atin kung paano tayo susunod kung ngayon o sa susunod pero habang may panahon pa gawin na natin kaysa huli na ang lahat.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Bakit nilalang ng Dios ang tao?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.