Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Isang panibagong linggo na naman ang nagdaan at nandito na naman ako upang magnahagi ng aking repleksyon para sa linggong ito, at salamat sa Dios sa lakas at magandang pangangatawan sa bawat araw na lumipas.
Ngayon nga ay magbabahagi na naman ako ng aking panibagong repleksyon tungkol sa isa na namang magandang topic na dapat nating malaman dahil ito ay merong malaking tulong para sa atin.
Bago nga ako magsisimula, hinding hindi ko malilimutang magpasalamat muna sa lahat ng aking mga taga-suporta mula dito sa Community na ito. Maraming salamat sa Admins, Curators at maging kapwa ko Hivers, maraming maraming salamat sa inyong lahat.
Ang pagbibigyang repleksyon o review para sa araw na ito, ay para sa akin napakagandang dapat nating pag-usapan. Ang pamagat nito ay, "Makakapamuhay ba tayo ng Hindi Nagkakasala?".
Napakagandang tanong ito dahil isang malaking pala-isipan ito dahil merong maraming mga taong nagsasabi na hindi sila nagkakasala. Pero ang tanong ay, meron nga bang mga taong hindi nagkakasala?
Dito sa topic na ito na ibinahagi ni Bro. Eli, marami siyang naibahaging mga Bible verses na malaking tulong sa atin upang mas maintindihan natin ang kung ano man ang gusting ibahagi nito.
Alam naman natin na habang tayo ay namumuhay pa sa mundong ito na puno ng mga gawaing nagdudulot ng kasamaan sa bawat tao, hinding hindi maaaring merong taong mamumuhay ng walang kasalanan.
|
|---|
|
|---|
|
|---|
Sa tatlong Bible verse na naibahagi, dito natin malalaman wala talagang taong makapamuhay na hindi nagkakasala, dahil nakasulat mismo sa Salita ng Dios na ang bawat tao ay nagkakasala, walang tuwid at nakakapag sinungaling.
Walang kahit na sinomang taong namumuhay sa mundong ating tinitirhan ngayon ang hindi nakakagawa ng kasalanan.
Ang lahat ay nagkakasala at ito ay ayon sa Salita ng Dios. Kahit pa man ang mga taong banal o ang mga apostoles ay nagkakasala sa Dios.
Sabi pa nga sa 1 Juan 1:8, kung sasabihin natin wala tayong kasalanan, dinadaya lamang natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Kung kaya hindi talaga tayo makakasabi na merong taong namumuhay ng walang kasalanan.
Bagamat tayong lahat ay nagkakasala, meron naman tayong pag-asa sa buhay dahil meron tayong Dios na talagang nagmamahal sa atin.
Hindi natin maikaila na tayong lahat ay nagkakasala, subalit bagamat tayo ay nagkakasala meron naman remedy o gamot ang ating mga pagiging makasalanan dahil sa ating paniniwala sa ating Panginoong Hesus.
Lahat nga tayo ay nagkakasala subalit iba pag tayo ay merong Kristo sa ating buhay dahil meron tayong pag-asa dahil sa ating pananampalataya sa Kanya. Dahil tinubos ni Kristo ang lahat ng ating mga kasalanan kung kaya merong lunas o remedyo ang ating mga kasalanan.
Ngayon para sa aking huling masasabi tungkol sa topic na ito, talagang nakapag bigay ito ng malaking aral na talagang magagamit ko at mas maintindihan ko ang kung ano man ang gustong ituro sa akin.
Natutunan ko na lahat tayo ay nagkakasala sa Dios dahil walang kahit na sino man ang hindi nakakagawa ng kasalanan subalit bagamat tayong lahat ay nagkakasala, meron naman tayong pag-asa dahil sa ating Panginoong Hesu-Kristo dahil tinubos niya ang lahat ng ating kasalanan. Kaya kailangan tayong mananampalataya sa Dios at sumunod sa kanyang mga utos
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Makakapamuhay ba tayo ng Hindi Nagkakasala?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.