Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Nitong mga nagdaang mga araw, medyo naging abala ako sa aking mga personal na mga gawain lalong lalo na sa mga gawaing para sa Dios kung kaya medyo natatagalan din akong makapagbahagi ng aking mga repleksyon o mga topic review.
Ngayon nga din ay labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil nandito na naman ako buong pusong magbabahagi ng aking mga natutunan sa mga topic na ibinabahagi sa Community.
Para nga sa aking repleksyon o topic review sa araw na ito, ito ay merong pamagat na, "Masama ba sa Tao ang Magalit?. Isang magandang pag-usapan dahil ito ay para talaga sa ating buong pagkatao.
Isa ngang magandang pag-usapan itong tanong kung masama ba sa tao ang magalit, dahil bilang isang tao hinding hindi natin maiiwasang merong pagkakataon talaga na magagalit tayo.
Kung ako ang tatanongin sa tanong na ito, meron talagang pagkakataon na masama ang magalit, meron ding hindi.
Normal lang sa bawat tao na magalit dahil bilang isang tao katangian na natin ito. Magiging masama ang magalit kung ang patutungohan nito ay kasamaan din.
Pero meron ding mga pagkakataun na magagalit tayo pero hindi ito masama kung maganda ang ating intensyon at huwag pa nating paabotin hanggang kinabukasan.
|
|---|
Sabi pa nga dito pwede naman tayong magalit pero huwag dapat tayong magkasala. Ang ibig sabihin lang nito ay hindi tayo dapat makagawa ng masama bunga ng ating pagkagalit at huwag din natin hayaang tumagal pa ito ng matagal hanggang kinabukasan.
Marami ngang mga pagkakataon na nagagalit tayo mula sa mga bagay-bagay na nangyayari sa atin. Mula sa mga taong nakagawa sa atin ng hindi maganda at marami pang iba.
Subalit ating pakakatandaan na parti ito ng ating pagkatao, at ang importante lamang nito ay huwag nating hayaang magkasala pa tayo, mas mabuti pa na humingi tayo ng tawad at magpatawad sa mga taong nagkasala sa atin.
Kahit pa nga ang ating Dios na nasa langit maraming mga pagkakataong Siya ay nagalit pero hindi ito ibig sabihin na masama ito.
|
|---|
Ang galit ng Dios ay dahil din sa mga gawang hindi maganda ng mga tao, sabi pa nga ay laban sa mga kasamaan at kalikuan ng mga taong hindi naniniwala sa katotohanan.
Kung ating mapapansin, maraming mga lindol ang nangyayari dahil ito sa galit ng Dios. Ito ay ating mababasa sa Kanyang salita dito sa Job 9:5-6. Isa itong paalala sa atin na talagang nagagalit ang Dios sa atin lalong lalo na kung nakikita Niyang masama ang ating ginagawa.
Para naman sa aking huling masasabi mula sa topic na ito, malaki ang aking pasasalamat sa Dios dahil marami akong natutunan. Isa itong paalala sa akin na okay lang ang magalit basta huwag lang humantong na ako ay magkakasala.
Maraming pagkakataong nagagalit talaga ako subalit sa tulong ng Dios ay hindi ko ito hinahayaang tumagal pa at kailangang huminga ako ng tawad una sa Dios at sa mga taong nakagawa sa akin ng mali. Talagang magandang malaman ang mga bagay na ito dahil nakakatulong ito sa ating buong pagkatao, sa tulong lamang ng Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Masama ba sa Tao ang Magalit?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.