Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Sa araw na ito isa na namang magandang usapin ang ating tatalakayin na nagpapaliwanag sa atin kung ang, "Paglalago ng Kaalaman, na sa Bibliya ba?".
Malaki ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa mga tatalakayin natin na makakatulong talaga sa atin upang malaman kung ang mga makabagong kaalaman o mga teknolohiya ba ay itinakda na ng Dios.
Nagpapasalamat din ako sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagmamahal sa akin at pagbibigay ng aking mga panganagilangan, at pati na rin sa mga Admin ng community na ito sa walang sawang pagsuporta.
Kung ating makikita ngayon, bawat taon ay maraming mga makabagong teknolohiya ang lumalabas at nadidiskobri at masasabi naman natin na malaki talaga ang tulong nito para sa ating mga tao dahil mas napapadali at mas gumaganda ang mga trabaho natin, isa itong magandang biyaya ng Dios para sa ating mga tao.
Kung sa tanong kung ito ay nasa Bibliya ba ay, itong lahat ay itinakda na ng Dios at nakasaad na sa Kanyang Salita. Maraming mga propesiya na nagsasabi sa sinaunang tipan tungkol dito.
|
|---|
Ang paglago ng kaalaman ng tao ay naitala na sa Salita ng Dios at ito ay pinahihintulotan ng Dios na sa panahon ng kawakasan at ang panahong ito ay ngayon, lalago ang kaalaman ng mga tao.
Kung ating i-kokompara mga sampung taon ang nakalipas sa atin kasalukoyang taon ngayon, mas maganda at mabilis na ang mga teknolohiya natin ngayon kumpara noon at ganito kabilis lumalago ang kaalaman ng tao na siyang naisaad na noong mga unang panahon.
|
|---|
Isa sa pinakamatalinong tao na makikilala natin sa Old Testament ay si Haring Solomon na naitala niyang hindi niya alam ang daloy ng hangin o kung paanong lumalaki ang mga bata sa bahay bata ng buntis dahil sa mga panahon na iyon wala pang mga teknolohiya, pero sa mga panahong ito ay iba na.
Dahil itong lahat ay itinakda na ng Dios, mas madali na nating malalaman sa pamamagitan ng mga Satellite kung meron mang masamang panahon o bagyo, o kaya mga teknolohiya gaya ng Ultrasound at marami pang iba para makikita natin ang isang bata sa bahay bata ng magulang. At marami pang mga teknolohiya bunga ng paglago ng kaalaman ng tao na pinahintulotan ng Dios.
Para naman sa aking pang huling masasabi tungkol dito. Sa lahat ng mga pangyayari sa mundo tulad na lamang ng paglago ng kaalaman ng tao ay ginawa din ito ng Dios at mababasa natin ito sa Bibliya.
Maraming nagagawang tulong ang bawat lumalabas na makabagong teknolohiya, sa trabaho, sa transportasyon, komunikasyon at marami pang iba, at ito ay isang pahiwatig ng wakas ng mundo kung kaya manalitili lang tayo sa Dios sa kahit na ano mang mangyayari sa atin hanggang sa Kanyang pagbabalik.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Paglalago ng Kaalaman, na sa Bibliya ba?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.