Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Isang magandang bagong taon sa ating lahat, lalong lalo na ang lahat ng aking mga kaibigan at mga membro ng Community na ito. At higit sa lahat, sa Admin ng Community na hinding hindi nakakalimot na suportahan ang lahat ng aking mga reviews/repleksyon noong nagdaang taon.
Ngayon nga ay magbabahagi ako muli ng aking panibagong repleksyon at ito ang kauna-unahan kong repleksyon sa taong ito. Ang pamagat ng ating pag-uusapan ngayon ay "Pagmamantini ng malinis na Puso, ano ang Epekto?".
Bago ako mag-simula, una ko munang pasalamatan ang lahat ng aking mga kaibigan at lalong lalo na ang Community Admin dahil sa nagdaang taon ay talagang naging malaking tulong ang suporta nila at dalangin ko ngayong taon ay, patuloy pa rin ang pag suporta nila sa akin. Maraming maraming salamat sa inyong lahat.
Ang buhay natin sa mundong ito habang tayo ay humihinga pa at may buhay, hinding hindi madali dahil marami tayong makakasalamuhang mga tao na maaaring makakabuti o kaya ay makakasama sa atin.
Ang ating pag-uusapan ngayon ay tungkol sa Pagmamantini ng malinis na puso, at masasabi na talagang mabuti ito para sa atin, ang mapanatiling malinis ang ating mga puso.
Maraming mga bagay o pangyayari ang nagiging dahilan kung bakit magiging marumi o masama ang ating mga puso, dulot marahil ng mga taong nakakasalamuha o nakikilala natin o kaya ay mga pangyayaring masama sa ating buhay.
|
|---|
Subalit, ayon sa Salita ng Dios na ating mababasa sa itaas, mapalad ang taong may malinis na puso. Kung bakit mapalad ang tao ito, dahil makikiya niya ang Dios. Isang magandang malaman natin na kung panatilihin nating malinis ang ating mga puso sa kabili ng mga masasamang pangyayari sa atin, tiyak na makikita natin ang Dios.
Hindi madaling maging malinis ang ating mga puso subalit alam naman natin na hinding hindi tayo pababayaan ng Dios ay hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kaya.
Upang mapalayo tayo sa mga masasaming pag-iisip, huwag nating hayaang manaig ang kasamaan sa ating mga isipan.
Maraming mga taong darating sa atin na marahil ay nagiging dahilan upang makapag-isip tayo ng masama. Huwag tayong mag-isip ng anomang masama at mas magandang gawin natin ay ang manalangin sa Dios.
|
|---|
Hindi na natin maikaila o maiwasan na maraming mga taong darating sa ating buhay at pag-isipan tayo ng masama. Huwag natin silang pakinggan, o mag lagay ng masamang pag-iisip na siyang maging dahilan ng kasamaan sa ating mga puso.
Tulad na lamang nga mga chismoso at mga chismosa. Marami tayong maririnig na mga salita sa kanila na maaaring magdulot ng kasamaan sa ating mga puso. Huwag nating hayaang manaig sila. Dahil sila ay ginagamit lamang ng kasamaan. Manalangin tayo at humingi tayo ng tulong sa Dios.
Kung sakaling darating itong lahat sa ating mga buhay, kailangan nating gwardyahan ang ating puso sa tulong ng Dios upang hindi tayo madaig at marumihan ang ating mga puso.
Sa aking pang huling masasabi tungkol sa topic na ito, masasabi kong magandang aral ito para sa bagong taong ito dahil mas magandang simulan natin ang bagong taon na may malinis na puso.
Masasabi ko rin na bagamat hinding hindi madali ang mapanatiling malinis ang ating mga puso, alalahanin natin parati na meron tayong Dios na handang tumulong sa atin. Gusto lamang ng Dios na maging tapat at manatili ang ating pananalig sa Kanya.
Sabi nga, kailangan nating gwardyahan ang ating mga puso dahil ang kaaway ay laging handang sumalakay sa atin sa kahit na anong paraan at magagawa lamang natin ito sa tulong ng ating Panginoon Dios.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagmamantini ng malinis na Puso, ano ang Epekto?", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.