Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! At dalangin ko ang magandang buhay! 😇
Masaya akong makabalik muli dito sa Community, at mahigit ilang linggo din nang ako ay nakabahagi ng aking panibagong repleksyon dito sa Community, kung kaya ngayon masaya akong maka balik muli at meron na naman akong panibagong repleksyon.
Ang pamagat ng aking ibabahaging repleksyon ngayon ay "Pagtingin sa Puso at Panlabas na Anyo". Maganda nga itong pag-usapan ngayong buwan na ito.
Bago nga ako mag simula, magpapasalamat muna ako sa lahat ng laging sumusuporta sa akin dito sa Community. Mula sa mga Admins hanggang sa mga Curators, maraming salamat sa inyong lahat.
Habang tayo ay nabubuhay sa mundong ating ginagalawan ngayon, hinding hindi tayo makakatakas sa mga masasamang gawain, subalit sa kabila ng mga pangyayaring ito, makaka asa tayo na hindi tayo pababayaan ng ating Panginoong Dios.
Tayo bilang isang tao ay hinding hindi natin nakikita ang ating mga puso, o nakikita natin ang mga puso ng ibang tao. Tanging ang Dios lang ang nakakakita at nakaka alam ang kung ano ang nilalaman ng ating mga puso.
Nakikita at nakikita ng Dios kung ano ang nilalaman ng ating mga puso. Dito nalalaman kung paano tayo bilang isang tao kung isinasapuso ba natin ang mga aral na ating nababasa sa Salita ng Dios.
Itong lahat ay kabaliktaran sa ating mga tao dahil hinding hindi natin nakikita ang mga puso ng bawat isa, bagkos ay ang nakikita natin ay ang pang labas na anyo.
Kung ating babasahinsa Jeremias 17:9-10, dito ibinahagi na ang puso ay mandaraya higit sa lahat at ang nakaka kita nito ay ang Panginoon lamang. Hindi natin ito nakikita ng ating mga mata, pero kitang kita ito ng ating Panginoon.
|
|---|
Tayong mga tao ay hindi natin nakikita ang mga puso natin at ng ibang tao subalit ang nakikita natin ay ang panlabas na anyo.
Maraming mga pagkakataon na dahil sa mga bagay na ating nakikita, nagiging dahilan ito upang magkasala ang ating mga puso. Ang ating mga mata ay sadyang makasalanan dahil na rin sa mga nakikita ng ating mga mata.
Isang halimba na naibahagi ay tungkol sa pangyayari na magiging dahilan upang magkasala ang puso ng isang tao. Kung meron isang babae na papasuk na kitang kita ang kanyang katawan at sobrang sexy.
Nagdudulot ito ng maling paningin sa mga lalaking makaka kita sa kanya kung kaya, nadudungisan at nagkakasala ang kanyang puso at ng mga taong nakaka kita sa kanya. Dahil ang tinitignan ng tao ay ang pang labas na anyo hindi kung ano ang nasa puso.
Kung ating titignan sa Salita ng Dios, maraming mga aral dito na nagtuturo ng maganda at wastong pananamit na dapat ay gawin natin. Upang hindi tayo magiging dahilan upang magkasala ang isang tao sa kanilang mga puso.
Kung babasahin natin ang Salita ng Dios sa 1 Juan 2:15-16, dito natin mababasa na huwag dapat nating ibigin ang sanglibutan o kahit na ang lahat ng mga bagay nandito sa sanglibutan. Kahit na ano pa yan, o mga bagay na ating nakikita, huwag natin ito ibigin.
Dito malalaman natin na talagang napaka rumi ng ating mga mata kung ito ay umiibig sa mga bagay na nandito sa sanglibutan. Kung kaya iwasan natin ang mga bagay na ito bagkos ay isintro natin ang ating mga mata sa Dios.
Iwasa natin ang mga bagay na nagiging dahilan upang marumihan ang ating mga mata lalong lalo na sa panahon natin ngayon na puno na ng karumihan dahil sa teknohiya o maging ng mga pangyayari sa ating bansa ngayon.
Ang pinag-aralan natin ngayon ay talagang mahalaga para akin at maging sa ating lahat dahil maraming mga pagkakataon na tayo ay nagiging dahilan upang magkasala ang isang tao sa kanyang puso dahil na rin sa kung ano ang nakikita nila sa atin.
Kung kaya para sa aking panghuling masasabi, isang paalala lang ang aking sasabihin sa ating lahat. Maging tapat at manampalataya tayo sa Dios ng buong puso at sumonod tayo sa Kanyang mga utos upang hindi tayo makakagawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkasala ng iba ibang tao.
Maging huwaran at maging magandang halimbawa tayo sa lahat ng aspeto. Sa isip, sa salita at higit sa lahat sa gawa dahil ito ang nakikita ng mga taong nakapaligid sa atin.
Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagtingin sa Puso at Panlabas na Anyo", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod na naman at sa sumusuporta sa aking bagong repleksyon na ito at sa bagong topic na naman mga kapatid.