Source
Ang pagkakataong gumawa ng mabuti ay talagang hwag palampasin. Kong sa tingin natin na kaya nating gumawa ng mabuti o pagtulong sa kapwa ngayon, hwag talagang ipagpaliban. Ang masasama at tentasyon ay palaging nakasunod sa atin at palaging magdidikta sa atin ano mang oras. Biniyayaan tayo ng Dios ng maraming biyaya para makatulong sa iba. Ang labis-labig na pera ay desenyo lamang dito sa Mundo at hindi pinagdadamot at dapat ibahagi o itulong din sa ibang tao na nangangailangan. Ang pagtulong din sa kapwa ay bukas sa loob at walang hinahangad na kapalit. Dahil ang mga gawaiing mabuti dito sa Mundo ay nakasulat na at nakita na ng Panginoon. Nakakataba ng Puso kapag tayo ay nakatulong o gumawa ng mabuti sa ating kapwa kahit sa simpleng mabubuting gawain.
Source
Nakasulat din sa Banal na Kasulatan:
Efeso 2:10
Sapagkat tayoy kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
Ibig sabihin, ginawa tayo ng Dios na puro mabubuti at para tumulong sa ating kapwa lalo na ang mga taong nangangailangan ng tulong. Ang paggawa ng mabuti ay isang paraan para makasunod tayo sa yapak o daanan ng Dios.
Ang kahalagahan ng paggawa ng mabuti sa bawat pagkakataon na ating nakikita:
Kapag may pagkakataong gumawa ng mabuti, nararapat na gawin agad ito. Hind ibig sabihin na obligado o pwersado tayong tumulong sa iba pero sa paraan ng pagmamahal at pagtanaw na utang na loob mula sa Panginoon dahil sa mga biyayang ating natanggap ay magandang paraan ang pagtulong natin sa kanila. Mas maganda ang tayo ay tumulong kaysa tayo ang tinutulungan. Kahit magbahagi ng kaunting tulong ay malaking halaga na sa ibang tao at makapagbigay sa kanila ng kasiyahan sa buhay.
Source
Hindi lang sa materyal na bagay ang pamamaraan ng pagtulong o paggawa ng mabuti, ganun din sa pisikal gaya ng pagtulong sa mga may kapansanan na makatawid sa daan. Pagtulong sa mga matatanda na buhatin ang mga mabibigat na bagay, pagbibigay kasiyahan sa mga bata gaya ng pagbabasa sa kanila ng aklat at pagbukas loob na makinig at magbigay ng payo sa ibang tao na may problema sa buhay. Isa rin itong malaking tulong sa kanila na maituturing ring paggawa ng mabuti.
Source
Ang lahat aymay dahilan dito sa Mundo. Ang ating pang-araw-araw na buhay ay may dahilan. Ang bunga ng ating tagumpay ay may dahilan, Isinilang tayo dito sa Mundo na may dahilan. Una dito ay ang ingatan ang Paligid, napakasimpleng bagay ito pero nagbibigay ng malaking magandang resulta s ating paligid. Pangalawa ay ang pagtulong sa kapwa, Tayoy mga anak ng Dios o mga nilikha niya kaya ang pagututulongan at pagmamahalan ay dapat isaisip at isapuso. Ang lahat ng tao na gumagawa ng mabuti na walang hinahangad na kapalit ay kinalulugdan ng Dios at sa langit siyay ay gagantimpalaan. Maraming salamat sa pagbisita at pagbasa ng aking post, magandang umaga at ang Dios ay sumasainyong lahat.