Isang mapagpalang araw aking tagasubaybay, ops. Kung meron man makakabasa sa lathalang ito. Ako ay muling nagbabalik sa aking bagong inspirasyon ngayong taon. Ito ay ang pag salin ng musikang aking nagusgustuhan at pinakikinggan dahil ito ay may dulot na pag-uudyok ng positibong pananaw na magagamit natin paano mamuhay. Mga awit na ang mga mensahi na nakapagpatigil ng sandali.
Minsan sa dami ng ating iniisip, kailangan nating huminto at hayaan ang mga ingay sa paligid. Nakakabingi minsan ang mga naghalo halong busina, sasakyan, kahit ang huni ng mga ibon ay natatabunan sa mga ingay ng syudad. Hindi maiiwasan na ang mundo ay sadyang magulo. Meron na namang gulo sa ibang bansa na nakakaapekto sa ekonomiya pati na kahit sa mga ordinaryong mamayab na tulad ko. Balita ko, nagmahalan na naman ang gasolina. Sa pagkakaalam ko kahit nung una, kung ito ang nagmahal, malamang sunod-sunod na ang ibang bilihin. Nariyan din ang balita ng mga nawawalang sabungero. Nakapagtataka ano? Paanong nangyari? Tapos ang usupang eleksyon din sa ating bansa, malapit na. May manok na ba kayo? Ako, nalilito pa rin kung sino sino ang ibubuto ko. Yung mga balita na yan, kahit nakakabahala, wala akong ibang magawa kundi ang ipagdasal at ipagkaloob ko kai Hesus na syang sandalan. Matibay na sandalan sa pangaraw-araw.
Huminto muna tayo ng ilang saglit, pakinggan ang awit na aking ibabahagi sa inyo.
'Take it Day by day' ay isang paalala na mamuhay sa kasalukuyan. Ngayon araw, oras at minuto, nasaan ka man sa ngayon, iyan ang buhay mo. Wag nang lumayo pa. Pwedeng mangarap, ngunit wag hayaang ikaw ay tatangayin nito sa kung saan. Huwag mong hayaang mawala ang oras na hawak mo ngayon. Mapagsalamat dahil sa grasya ng araw. Isang araw, isang hakbang. Tigilan ang pag-iisip na wala itong halaga ng dahil hindi naaayon sa pinapangarap. Sabi nga sa Libro ng Ecclesiastes, ang lahat ay naayon sa tamang panahon at may dahilan ang lahat sa mundo. Ipikit ang mga mata, at damhin ang himig ng hangin. Tara sabay nating pakinggan ang musika.
Source:
TAKE it DAY by DAY
by Fearless Souls Music
Madali ang mahuli sa bitag ng mundo
Lubos na nakakalula
Naghahanap kung saan lumingon
Kung ikaw ay naliligaw
Ang buhay ay patuloy na nagbabago
Hanap-hanap ang bagong matibay na katatayuan
Madali ang mahuli sa bitag ng mundo
Ipikit mga mata
Humugot ng pahinga
Paalalahanan ang sarili
Damhin ang bawat saglit sa araw-araw
Makikita mo ang daan
Wala pang nakakaalam ng lahat-lahat
Damhin ang bawat sandali
Panatilihing bukas ang puso
Lahat ay damhin ng buo
'Tapos ay bumitaw
Upang mabuhay ng malaya
Damhin ang bawat saglit sa araw-araw
'Wag ng malulungkot
Walang magtatagal magpakailanman
Nasa kalagitnaan ng pagsusulat ang iyong istorya
Ang pahina ay mabubuksan
Sa mga bagong pakikipagsapalaran
Sandali ng kagalakan
At maraming aral na matutunan
'Wag malulungkot
Walang magtatagal magpakailanman
Ipikit mga mata
Humugot ng pahinga
Paalalahanan ang sarili
Damhin ang bawat saglit sa araw-araw
Makikita mo ang daan
Wala pang nakakaalam ng lahat-lahat
Damhin ang bawat sandali
Panatilihing bukas ang puso
Lahat ay damhin ng buo
'Tapos ay bumitaw
Upang mabuhay ng malaya
Damhin ang bawat saglit sa araw-araw
Ang araw ay mabubuo sa huli
Lahat ng mabuti ay kailangan ng mahabang panahon
Ang kahapon ay naging nakaraan
Mabuhay sa ngayon
Pahalagahan ang isipan
Damhin ang bawat saglit sa araw-araw
Makikita mo ang daan
Wala pang nakakaalam ng lahat-lahat
Damhin ang bawat sandali
Panatilihing bukas ang puso
Lahat ay damhin ng buo
'Tapos ay bumitaw
Upang mabuhay ng malaya
Damhin ang bawat saglit sa araw-araw
Magandang araw sa lahat, ako ay patuloy sa aking adhikain dito sa pahina ng #tagalogtrail. Ang magsulat sa sariling wika dito sa hive world. Halika na at magbahagi ng iyong akda gamit ang ating wika.
Paalam sa ngayon.Hanggang sa muling awit ulit. Bye:)