Mga araw ay nagdaan mula ng aking nailathala ang pagsalin ng musika. Ako ay nagagalak sa papremyo mula sa unang patimpalak ng #tagalogtrail. May bagong paligsahan na naman ang hatid ng pahina para mahikayat ang mga Filipinong Hivers na magsulat sa sariling wika.
Ngunit hindi ako makakasali sa ngayon dahil ang paksa ay patungkol sa bayang pinagmulan. Ngunit akin munang ipagliban itong paksa dahil ako man ay naging estranghero na sa sariling bayan dahil sa tagal na ako ay nalayo at umuuwi lang ng saglit pag bakasyon. Saka nalang, saka nalang kapag ang buhay ko ay andun na mismo. Nahihirapan ako kung saan ako magsimula, kung papaano ko ibahagi sa hive world ang aking lugar base sa aking sariling karanasan. Marami akong gusto isulat ukol sa kanya(Hilongos), ngunit gusto kong ibahagi ito ukol sa aking tunay na nararanasan at hindi dahil lamang sa mga nakasulat na.
Pwede kayong sumali bilang pagsuporta sa layon ng pahina. Ito ang link ng paligsahan.
Ikalawang Paligsahan ng Tagalogtrail: Aking Bayan
Bago paman iyan, muli na naman nating pakinggan ang isang awit na masaya na ibinabahagi ng Fearless Souls Music.
Ang Araw ay sisikat na.
Ang awit na ito ay para sa ating mga madilim na pinagdadaanan. Marahil dulot ito ng mga pagsubok o dahil sa mga nagawang kamalian na para bang wala ng pag asa pa. Mga bagay na hindi natin ginustong mangyari ngunit hindi napipigilan. Mga bagay na alam mong mali pero pilit mong pinapasukan at ngayon pinagsisihan. Huwag ng malungkot at bitawan na ang pagsisisi. Sikaping gumawa ng kabutihan kahit nahihirapan. Ating pagkaisipin na ang lahat ng mga ito mga negatibong nakaraan at karanasan at kahit pa ang mga masasaya at magagandang nangyayari sa paligid - siguradong lilipas din. Maging mapagkumbaba at magpasalamat sa lahat-lahat. Matoto sa mga dulot nito sa buhay at subukang bumangon dahil ang araw ay hindi mapipigilan sa pagsikat kahit ayaw mo pa.
Sino ba ang may gustong manatili sa dilim? Kung sa buhay ay may pagpipilian, liwanag aking dadamputin.
Source:
The Sun Will Come Out
by fearless soul
'di , hindi uulan magpakailanman, 'di
Alam kong ang araw ay sisikat
Ang panahon ay maging maayos din
Alam kong ang araw ay sisikat..
Kahit saan magpunta
Parang patak ng ulan nahuhulog sa akin
Kahit saan magpunta
Itong madilim na ulap nakasunod sa akin
Minsan ako ay nanlalamig
Minsan ako ay nanlulumo
Kung mananalig at kumakapit lamang
Alam kong ang liwanag ay darating na
'di , hindi uulan magpakailanman, 'di
Alam kong ang araw ay sisikat
Ang panahon ay maging maayos din
Alam kong ang araw ay sisikat..
Ibang araw, ibang bagyo na kinakaharap
Itong dilubyo ay kay hirap lusutan
Nakakaramdam pa rin ng panlulumo
Nakakaramdam pa rin ng panlalamig
Ako pa rin ay nananalig.. kung ako ay kakapit
'di , hindi uulan magpakailanman, 'di
Alam kong ang araw ay sisikat
Ang panahon ay maging maayos din
Alam kong ang araw ay sisikat..
Hindi iyan uulan ng walang katapusan
Makulimlim na langit ay matatapos din
Panlalamig ay hindi magtatagal
Ang liwanag ay parating na
Walang bagyo ang magtatagal
Dahil alam kong mga bagay ay nagbabago
Walang nyebe ang magtatagal
Ang liwanag ay parating na..
'di , hindi uulan magpakailanman, 'di
Alam kong ang araw ay sisikat
Ang panahon ay maging maayos din
Alam kong ang araw ay sisikat..
Bumangon ka at pagmasdan ang sikat ng araw.
Magandang araw sa lahat, ako ay patuloy sa aking adhikain dito sa pahina ng #tagalogtrail. Ang magsulat sa sariling wika dito sa hive world. Halika na at magbahagi ng iyong akda gamit ang ating wika.
Paalam sa ngayon.Hanggang sa muling awit ulit. Bye:)