Ako actually meron akong gustong bilhin, pero hindi para sa akin, para sana sa mister ko. Kasi nasabi nya minsan sa akin na gusto nya mag digital drawing sa Photoshop at sa ibang pang app. Gusto ko sya bilhan ng drawing tablet kasi yung pagba-blog na lang nya ang pinagkukunan namin ng allowance ngayon, buti na lang nandito na kami sa probinsya at hindi na kami nangungupahan sa Quezon City. Makakatulong ng malaki ang drawing tablet para makadagdag sa mga ipopost nya. Kung hindi ako nagkakamali "drawing tablet" yata ang tawag dun. Naghanap ako online may nakita ako "Wacom One (2020)" ang model, kaso ang mahal ng price nasa PHP5,000 to PHP18,000 depende sa modelo, grabe, di ko kinaya, hahaha! Ang itsura nya ay para syang mouse pad na USB ang connector tapos may kasama na parang pen/ballpen. Ang mahal naman kako sa isip-isp ko, samantalang para lang syang mouse pad na may kasamang ballpen. Ikaw ano ang gusto mong bilhin na gadget?
RE: Question Of The Weekend: Shopping For Gadget | QOTW Last Week's Winner Announcement