Tila tahimik na ang hangin ng nakaraan
Payapa ang ilog na walang katapusan
Sumasayaw, mga berdeng kahoy sa daan
Nasasabik ang pagsikat ng araw para sa kinabukasan.
Ngunit bakit bumibigat ang nadarama
Unti-unting nalungkot at natulala
Bumabalik ang mga bagay na nilimot na,
Ang dating ikaw at ako - alaala nating dalawa.
Akala ko’y lumipas na — tapos na.
‘di na maipipinta kung sakaling babalik pa.
Sugat ay naghilom sa mga panahong lumipas,
Ikaw at ako’y, naglaho’t kumupas.
Ngunit bakit ngayon
sa pagtapak ko dito sa nayon,
Ikaw, ikaw ang unang naiisip
Binibiro ako ng tadhana, ang ating nakaraan sa aki’y pinapasilip.
Sa puso tila’y karayom ang tumutusok
Sa isip laging ikaw ang pumapasok
Tila ako’y nasa isang tuktok
Pinapanood, ating mga ala-ala sa bawat sulok.